Ano ba ang ugat ng kahirapan? Ito ba ay bunga ng kurapsyon sa lipunan o sanhi ng katamaran ng mamamayan? mahirap tukuyin kung ano ang ugat ng Crisis na ating pinagdaraan sa kasalukuyan, kasi lahat nman tayo ay may kinaliman. Bilang mamamayan, kailangan natin magsikap upang umunlad ang ating kabuhayan at ang pamahalaan, resposibilidad nila na ayusin at pangalagaan ang ating ikinabubuhay.
Pagmasdan n'yo ang mga bata, sa mura nilang isipan natututunan na nilang makipag sapalaran sa mga hamon ng buhay o humawak sa patalim para sila'y mabuhay. Nakakahabag silang tingnan, "pero may magagawa ba ang ang pag patak ng aking mga luha para sa kanilang makabagbagdamdaming dinaranas? sa palagay ko wala, hanggang awa na lang ang kaya kong ibigay sa kanila.....
Ito ba ang ipapamana sa mga susunod pang-salinlahi, 'ang di matapos-tapos na kahirapan'.
Sana may magawa tayo sa hinaharap..................
"However mean your life is, meet it and live it: do not shun it and call it hard names. Cultivate poverty like a garden herb, like sage. Do not trouble yourself much to get new things, whether clothes or friends. Things do not change, we change. Sell your clothes and keep your thoughts."